Ewan ko ba bkit feeling ko ang lungkot lungkot ko ngayon, kya naisipan kong pumasok ng maaga at sa mcdo mag review para sa quiz namin.. kaya umorder ako ng 1 large fries, 1 coke float and burger mcdo... di naman ako gutom, gusto ko lang omorder ng madami para tumagal tagal ang pag stay ko sa mcdo.. Ang emo ko mag isa lang akong kumakain at nakikinig sa malungkot na tugtog sa mcdo ng napatingin ako sa glass wall ng mcdo... Nakita ko sa rowielyn kasama ng mama nya... Bigla kong kinabahan.. Kunwari di ko sila nakita.. kinuha ko ulit yung reviewer ko tsaka ko binasa, pasimpleng sumusulyap ako sa knila.. nakita ko si rowielyn bumubulong sa mama nya sabay turo sakin... ng tuluyan na kong tumingin sa knya at kumaway si rowielyn ngumiti na din ako at kumaway, bigla syang lumapit sakin..
Me: Oh! short hair ka na ngayon ahh kumusta na?
Rowielyn: Eto po mabute :)
Me: ehh kuya mo kumusta na?
Rowielyn: Ayon po o.k po sila.. hinatid sya ni kuya JB kasama si ate loida thursday night na po sila nakauwi. Malaki po yung lokal ni kuya don, para na nga daw po syang pastor kasi sya lang may hawak ng lokal.. mas malaki pa yung lokal nya kesa sa lokal namin (sa Luzon)
Me: nakakalungkot noh.. ang layo layo nya na.. nagtext ako sa knya di sya nagreply
Rowielyn: di po talaga sya nagrereply pag tinetext kaya po lagi namin syang tinatawagan.. Araw raw po kaming tumatawag sa knya.
Nang biglang dumating si tita wilma na nakangiti sakin.. pinakilala ako sa kasama nya na dyakonesa
Tita: Wala na si Richard malayo na sya nadestino (nalungkot nyang sabi)
Me: oo nga po ehh.. buti po kasama nya si kuya marven
Tita: 2 hours yung byahe papunta sa distrito, malayo na destino si marven aakyat pa ng bundok.. kaya si loida na lang naghatid sa knya sa lokal nya
Habang nag kukwento si tita about kay kuya Richard sobrang lungkot na lungkot sya.. Pati tuloy ako nalungkot din.. Meron naman daw jolibee don kaso twing klase lang nila sya makakakain don, s 30 minutes naming magkakasama sa mcdo di ako nakapag focus sa nirereview ko, kasi nakikinig ako kay tita wilma sa kwento nya about kay kuya richard.. kahit tapos na kong kumain inantay ko na lang na mauna silang umalis, ng nagpaalam na sila sakin, bigla pa kong lalong naging malungkot habang pinagmamasdan sila na umalis..haaaay... Masasanay din sya sa ganung buhay..