eto ung first diary ko :) dito nakasulat yung mga kakiligan ko nung High school. Yung galit ko sa buong mundo, yung pagiging pasaway ko actually ayokong binabasa to kasi na istress lang ako AHAHAHAHA
eto na yung second diary ko. Nkakamiss yung mga masasayang nagyayari sa buhay ko kapag binabasa ko. Naaalala ko kung gano ko ka desperate AHAHAH mga bonding moments namin ng mga kaibigan ko ang saya saya talaga. Naalala ko nun nung binasa ni jerome yan Dec. 26 2010 2am overnyt sa bahay nila kuya richard.. pano bising busy kami mag usap nun ni kuya richard nailapag ko lang kung saan saan yung diary ko nagulat ako binabasa na ni jerome.. andaming masasayang nakatala jan sa diary kong yan. At hindi na mauulit yun :)
eto yung pinaka huli kong diary. ang daming madadramang pangyayari jan. Yan ang diary ko na nakasulat lahat ng labas namin ni kuya richard at nakasulat din lahat ng inis ko sa knya at kung gano ko sya kamahal... nag iisa lang ang nakabasa nyan sya din mismo.. ganun ako ka open sa knya.. pag nahilom na ang skit siguro tatawanan ko na lang lahat nyan ehehehe kaso isang taong mahigit na di pa din ako masyadong maka move on..
-sana yung susunod na diary ko sobrang masasaya na nakasulat puro dilibyu AHAHHAHA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento