Martes, Agosto 7, 2012
Ang pulang prutas
Dati si tweety pie super inlove kay dwarf everytime na nakikita nya si dwarf super kilig at walang mapag lagyan ang kasiyahan niya, lumilipas ang panahon at prang walang nang yayari sa ngitian nila tweety pie at ni dwarf, sa tagal na rin na di sila nagkikita sa isat isa parang nawawalan na ng pag asa si tweety pie kay dwarf, ng isang araw dumating si haring frog sa buhay ni tweety pie naging masaya sila sa loob ng four months bukod tanging si haring frog lamang ang nakakaunawa at nakakaitindi kay tweety pie kaya nahulog ang loob ni tweety pie kay haring frog pero hindi na nagustuhan ni tweety pie ang mga sumonod na pang yayari sa buhay niya kasama si haring frog (charot ewww) kaya napag pasayahan nila na magkaroon ng bonding sa lugar na punong puno ng saya, hohoho~ pero si haring frog ay biglang iniwan si tweety pie at di na nag paramdam sa knya hanggang ngayon na labis naman na ikinalungkot ni tweety pie dahil bakit daw siya iniwan ng walang kaabog abog (ewan ko lang) buti na lang at dumating si tweety bird sa buhay ni tweety pie at..........
i copy mo at gawan mo ng story huh ehehehe ayusin mo na rinplease gandahan mo ahh alam mo na story ko kay tweety bird ehh
"Minsan mas tamang bumitaw kapag alam mo na hindi ka pinapahalagahan. Malay mo sa pagbitaw mo, mahulog ka sa tamang pwesto at masalo ng tamang tao."************itutuloy ko na yung kwento ni bato at Prutas na pula...Patuloy na minahal ni Prutas na pula si Bato kahit na alam niya alanganin siya sa buhay nito. Minahal niya si Bato ng patago. Minahal niya kahit hindi nia alam kung may patutunguhan ba ang lahat. Minahal niya hanggang sa punto na hindi alam ni Bato na nasasaktan na siya.Dumating sa punto na naitanong nia sa sarili niya na kaya ba niya kinalimutan si Dwarf at Haring frog para lang mas lalong masaktan kay Bato o talagang laging mali lang siya'ng sa pagpila nang taong pagbibigyan ng puso niya at mag-aalaga nun? Lahat na nakalimutan ni Prutas na pula nung minahal niya si Bato na kahit sarili niya napabayaan niya.May isang Hardinero ang dumating. Galing siya sa isang palasyo at iniwan ang kanyang tinatangging prinsesa. Iniwan niya kasi ung tinuturing niya prinsesa iba ang gustong maging prinsepe. Iniwan niya kasi gusto niyang ibigay sa prinsesa ang kaligayahan na hanap nito kahit ibig sabihin nuon ay kailangang madurog ang puso nia. Nakita nang hardinero kung gaano kamahal ni Prutas na pula si bato. Alam niya na labis na nasasaktan si Prutas na pula sa pagbabalewala ni Bato. Inalagaan ni Hardinero si Prutas na pula. Si Hardinero ang naging tissue paper, confession notebook, at sandalan ni Prutas na pula. Sinubukan ni Hardinerong paghilumin ang bawat sugat ni Prutas na pula at punan ang pwesto ni Bato pero siguro kelangan ng oras, napakahabang oras para mapalitan niya si Bato sa buhay ni Prutas na pula.Oras. yan na lang ang makakapagsabi kung kelan malalaman kung kelan maghihilom ang lahat. Oras para malaman kung kaya na ulit ng puso magmahal. O di kya kelangan muna matutunan ni Prutas na pula ngayon na hindi nia kailangan ng ibang tao para maging buo. Kelangan nia muna sigurong matutunan na ang kasiyahan at pagiging kompleto eh hindi dapat naka depende sa ibang tao.
******
AHAHAHHA namiss ko to sobraaaa.. daming code name namin ng mga kaibigan ko kakamiss para kaming mga nasa HS ahahaha
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento