Miyerkules, Agosto 22, 2012

Broken Vow :)

          Nasan na nga ba yung mga taong nagsabi sakin na "di kita iiwan"? yung paulit ulit na sinasabing "walang magpapaiyak sayo kundi, ako makakaharap nila." San na kaya yung nagsasabing "lintik na yan wag lang sya papakita sakin" San na kaya yung tatlong taong yan, nung panahong halos pasan ko na ang daigdig sa bigat ng dala ko, na halos iwan na ko ng mga tao sa paligid ko. Ang hirap umasa noh, kaso nangako sila. Isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ehh yung maalala ka ng mga kaibigan mo kahit wala silang kailangan sayo. :) wala akong galit sa knila, mas nagpapasalamat pa nga ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko pa lang harapin yung mga pagsubok sa buhay ko kahit wala sila. Kaya ko palang lumakad sa dilim kahit ako lang mag isa. Kaya ko palang umiyak ng walang pupunas sa luha ko. Kaya ko palang lagpasan ang pagsubok ng walang sinumang tumutulong sakin, maliban na lang ang Ama.Kaya ko pala, isa sa dahilan kung bakit ako lumakas dahil sa mga taong nang iwan sakin :)

       Hindi ko sinasabing magaling ako, masaya lang ako kasi kaya ko pa lang tumayo sa sariling paa ko. Kaya ikaw, matuto ka sa pagkakamali ng iba, wag mo ng hayaang gawin mo pa. :). Salamat sa mga taong di tinupad ng pangako nila, kasi na realize ko na mahirap palang umasa sa pangako. Di pala sinasandalan to, panandaliang nagpapasaya lang sayo. Mas magandang tignan ko to sa positibong pamamaraan :) Napaka bata ko pa para mag mukhang matanda SMILE! Simpleng problema lang yan sa Pamilya, Eskwela at Kaibigan. yung tipong halos i down ka ng mga kapatid mo at iwanan ka ng mga kaibigan mo. At yung pakiramdam na babagsak ka sa Feasib dahil walang cooperation mga kaklase mo tengene (nakakagalit lang) ayt chill, relax lang pala dapat, naalala ko na naman si feasib nagalit ako bigla AHAHAHA.

    Di lang dito nagwawakas ang problema, simula lang to para paghandaan ang mas mabigat na suliranin na darating sa buhay ko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento