Linggo, Agosto 26, 2012

He is a perfect Father

      Sya yung tatay na sobrang Bait. Alam nya kapag malungkot ako alam nya ang kaligayan ko, yung super sweet na tatay kapag wala ko kasabay mag ensayo dahil bumyahe si ate sa work nya, sya pa mismo ang maghahanap ng kasama ko. Yung super naiintindihan nya ko kahit na nag shift ako ng course, di sya nagalit sakin kasi alam nya don ako masaya. Yung wala kami dapat isisikreto sa knya, kaya nga pati crush ko tinatanong nya kay ate too bad di nya din kilala. Sya yung tatay na pinaka masarap magluto, minsan nakakainis lang kasi di nya ko inuutusan, ayaw nyang inuutusan kami namihasa tuloy kami sa ganun. pag nasisira si best friend computer tinatawag nya agad si super ching para ayusin agad agad yung computer ko, grabe nya ko pinapasaya.

       Kaso di talaga maiiwasan ang drama, pag mag uusap kami ng masinsinan. "Ikaw, dapat maging magalang ka sa magulang mo. Huwag kang sumimangot, kasi dito pa lang sa buhay na ito ipagkakaloob ka ng Ama ng mahabang buhay at magandang kinabukasan kapag naging mabuti ka sa magulang mo" basta ang daming drama at masinsinan pag uusap, marami din namang joke time. Gaya na din ng "Ano bang ipapangalan natin dito sa pusa natin?" sya, "Apol". sabay tawanan kami ng malakas sabi nya para daw kapag pinapagalitan ako ng ate ko mailabas ko daw sa pusa ko AHAHAHA kaso bawal banggitin yung name ni Apol pag nanjan ate ko AHAHAHA.

    Sobrang namimiss ko na yung kabataan ko pag sinasabihan nya ko ng "may loves ko ng Iroges ko ng buhayes ko ng giliw ko na yan" AHAHAHA kaka miss di na kasi ko bata. Naalala ko, may nagtanong sakin, ano bang gusto mo sa isang lalake? sabi ko katulad sa tatay ko. Isa lang nasabi sakin nung taong kausap ko  "kahit kailan di ka makakakita ng kagaya sa papa mo, kasi nag iisa lang sya :)" oo nga naman :). kitang kita ko kasi kung pano nya minahal mommy ko haaaaaaay :)

    Sabi pa ng tatay ko maswerte daw ako kasi sya tatay ko AHAHHA sya na mismo nagsabi, kasi daw baka kung ano pa daw mangyari sa buhay ko pag iba naging tatay ko AHAHAHA.. haaay naku andrama nya. Pero oo nga, lalo na kapag nag kukwento si gen gen about sa tatay nya grabe galit nya kaya maswerte na talaga ako :) haaay Unting tiis na lang sa tatay ko makakapunta na tayo sa dream place natin, mababawasan na ang pagtitiis sa pag papaaral sakin ehehehe

P.S Super saya ko kasi may bagay syang ginawa sakin na sobrang kinasaya ko today :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento