Martes, Agosto 14, 2012

Balagtasan between ako, Ka eon and kuya edjay

(Eon Obaman
Oo! May Part 2. Medyo mas magaan na ang usapan dito. Ang topic: Laptop at itouch ko. T.T Paano kaya nila ko kukumbinsihin. LOL. Ito'y naganap muli sa wall ni Jhay ガブリエル' 10-11 pm.

Estroberi Valdez Osman

oo masaya na rin ako kahit walang laptop wag lang sumakit ang ulo ko sa sobrang kaka aral hahahah

Kenshin Miranda 

hahaha tama yan hahaha... school's fun if you'll enjoy it wag pahirapan ang buhay pwede nmng mag-aral ng masaya eh hahaha... :D


Eon Obaman 

wahaha..

mei laptop man o wala,
dapat laging masaya,
Dahil ito'y material na bagay lang
sa bayang banal, walang pakinabang

Estroberi Valdez Osman 

oo tama yan ka eon kaya bigay mo na samin yang laptop mo hahahha

Kenshin Miranda 

hahaha tama! galing mo tlga estro tama yan!!!

Eon Obaman 

Oh laptop ko, I love you,
Di ba nila alam I can't live without you,
Sabi nila, "I'll get you"
Sasabihin ko naman, "F*** you!" Este, "Sorry you!"

Estroberi Valdez Osman 

waaah di ko kaya ng ginawa nio nila jhay hahaha
pa experience mo na lang samin yang mac mo hehehe kung may itouch ka pa bigay mo na rin samin baka mawala pa atleast alam mo nasa mabuting kamay mga gamit mo diba ehehehhe :>

Eon Obaman 

Oh my itouch, kukunin ka rin nila,
Why oh why, matotouch pa ba kita?
You'll leave my Mac, alam mong di pwde kayong maghiwalay,
My life will be destroyed, japorms ko'y sirang tunay!

Kenshin Miranda 

oh aeron ang iyong laptop
upang wag mahold-up
sa mga kaibigan iyong ibigay
upang bumuti ang iyong buhay

hahaha...

Eon Obaman 

Hahaha.. Nice!

Pag ginawa mo iyan, para mo kong pinatay,
Kinuha mo ang aking buong buhay,
Nawala na nga sila dati, ngayon lang nagbalik,
Ako'y mababaliw masisira buhay kong dating tahimik

Estroberi Valdez Osman 

amin lamang nais na magkaroon 
laptop at itouch sayo mayroon
kung iyong nanaisin samin ibigay
kami liligaya habang may buhay

bwahahaha

Eon Obaman 

"Ang sama niyo", ika nga ni Jerome,
Tama siya, kahit minsan ay slow,
Makinig nga kayo sa isang jejemon,
Para buhay natin ay go go go!

Estroberi Valdez Osman 

kamiy nag hangad buhay na marangya
ngunit ang kapalaran ay sadyang madaya
kami pinagkaitan ng buhay na masaklap
laptop at itouch kamiy nag susumikap

Eon Obaman 

Liligaya kayo, ako naman ang mag ka cry cry cry,
Kasi ang laptap at itouch ko senyu ibibigay, 
Tanong ko lang why why why?
Gusto niyo ba na ako ma die die die?

Kenshin Miranda 

o wag kang makinig sa mga jejemon
kundi sa mga kaibigan mo eon
kami ang tunay na may malasakit
kaya laptop iyo nang ipasungkit

hahahaXD

Eon Obaman 

O magagalit ita'y at inang ko,
Baka sakin humaba ang nguso,
Kapamilya ba kayo o kapuso,
Kasi, "Wish niyo lang" ang masasabi ko.

Kenshin Miranda 

kami'y kapatid at tunay na kaibigan
walang hihigit sa'ting tunay na pag-iibigan
kaya't upang mapatunayan iyong pag-ibig
ibigay na ang laptop na aming iniibig

Estroberi Valdez Osman 

O ka eon aming mahal na kaibigan 
hiling namin sa iyo, naway iyong pakinggan
mataas na grado sa skwela sayoy mayroon
laptop at itouch sayo ay madaling magkaroon

Eon Obaman 

Sige, papayag na ako,
Mura lang naman ang presyo nito,
Alam kong marami kayong datong,
Magkano niyo ba bibilhin, okay na kahit walang patong.

Estroberi Valdez Osman 

kami ay mahirap lamang
akin baon laging alamang
pera sa amiy wala
laptop pambili pa kaya?

Kenshin Miranda 

o bayad nami'y pag-ibig na walang wagas
na wala nang hihigit pa ni tutumbas
ito'y higit sa anomang kayamanan
kaya ika'y tunay na masisiyahan

Eon Obaman 

Nice Estro

Grabe ka naman, alamang talaga,
Ako nga, gulay lang ang nginunguya,
Buti ka pa, laman pa ang pagkain mo
Ako nga, puro lang damo.

O bakit ba, kayo ang kaibigan ko?
Ang lakas manggatong, ang lakas mang-uto,
Sabi na nga ba, ganyan pala kayo,
Luha ko tuloy tumutulo... joke lang po. ^^,


Eon Obaman 

Pasensiya na, kung ako'y mawawala,
Tinatawag na kasi ako ng aking ina,
Aalis kami patungo sa aking pinsan,
Ngunit totoong masaya ang ating balagtasan.

popost ko to mamaya. 

Kenshin Miranda 

o aeron iya'y tears of joy
dahil sa'ming malasakit ika'y nag-enjoy
wag malungkot pagkain may damo
pagkat madalas kami'y amoy lang ang natatamo...

Kenshin Miranda 

o kaibigan mag-ingat sa paglalakbay
at upang hiling nami'y iyo pang maibigay
kami'y ikamusta n lamang sa iyong inang maganda
at baka laptop sa kanya na lang mahada

hahaha ingatz :)

Estroberi Valdez Osman 

itong balagtas akoy natuwa
sanay maulit sya nawa
kaibigang eon biglang lumisan
sayong pagbalik kamiy asahan

Kenshin Miranda 

salamat sa maikling panahon ng kasiyahan
na aking naranasan sa ating balagtasan
lumisan man siya'y tiyak na babalik rin
at ngayon ako muna'y magpapaalam na rin 

Estroberi Valdez Osman 

o mga kaibigan akoy inyong iniwan
sa inyong pag alis wag kalimutan
kasiyahan satin na dulot ng balagtasan
mag ingat sa iniong pag lisan



  • Melita Pilon Ang sarap ng usapan ninyo
    Sayang lang di nabasa agad ito
    Laptop ko totoong nagloko
    Di pinayagan makapasok ako
    Kaya namiss ko nga kayo na todotodo

    Itong laptop ko basurang pinulot ko
    May mode na unexplainable true
    Minsan ayaw, karaniwan naman gusto
    Mabuti nga di ko kayo nagulo,
    Napakasayang balatasan na tumubo. Ha ha ha I love you

  • Melita Pilon Estroberi at Kinshin totoo ring magaling,
    Tumatapat sa Genyong si Aeron pa mandin
    Hangang hanga ako sa uri ng kabataan na inyong angkin
    Nawa dumami pa ang lahi ninyong malikhain.

  • Gin Mañabo Villalobos o aking insan grabe na itech mga balagtasan
    nawiwindang ako sa lahat ng iyong nalalaman
    mapatagalog mapaingles kay ganda akdang pampanitikan
    cguradong patok ito sa taong bayan
    ayan tuloy sa iyong pananalita ako'y nahawaan

    aking akda ngayo'y pampanitikan

    hahahaha....:)) epal...nkakahawa...:p

  • Kenshin Miranda salamat po nay mel sa mensahe niyong kay ganda
    ito'y sa amin ay tunay na nakakapagpaligaya
    kaya kami'y magsisikap upang kami'y umarangkada
    upang sa iba'y makapagbigay ng inspirasyon at saya

  • Melita Pilon Isang dakilang layunin ang iyong pakay
    Sa mundo yan ang kailangang tunay
    Simple things ay kanilang nalilimutan
    Paano sugsug sa paghanap ng materyal na kayamanan
    Kaya ako ay natuwa sa inyong uri na kabataan

    Gamit ang angking katalinuhan
    Sa masayang samahan ng sankatauhan.
    Kinshin ipagpatuloy nawa ang katangiang iyan
    Lumaganap sa lahat ng mga kabataan

  • Melita Pilon Kinshin ako muna ay magpapaalam
    Kung may reply ko mamaya ko tutunhayan
    May gagawin akong di maiwasan
    Mahalagang tapusin nang di mapabayaan
    Tungkulin na dapat kong gampanan.

    Maraming salamat sa pagpatol sa kaunting kakayahan
    Higit kayong bihasaa sa makabagong kaalaman.

  • Kenshin Miranda 
    minsan pa'y marami pong salamat
    sa inyong mga mensaheng nakakapagpasigla
    sa inyong gawain kayo po'y mag-ingat
    at hiling kong inyo pong makamit ang marami pang pagpapala!

  • Jhay Gabriel what a pain in my head
    i think my nose has just bled
    for i just woke up from my bed
    and my eyes are still red..

    hanep, pagbungad sa umaga, tagalog poems sasaluong sa akin hahah!

  • Kenshin Miranda kami kasi'y makabayan
    nagmamahal sa sariling wika
    di tulad mong mahilig sa dayuhan
    sa sariling bayan walang pagibig ka
  • Yrrebwarts Namso ka eon akoy halos di makatulog
    sa aking kama akoy halos mahulog,
    kakaisip sa ating balagtasang ginawa
    ako ngayon ay tuwang tuwa
    sa aking nakita mata koy nanlaki

    ating mga usapan iyo palang pinagmalaki

    hahaha thanks po nanay melita sa mensahe ehehehe :D

  • Melita Pilon Estrberi ang pagpapahalagang pagkilala
    Tanawin nga sa ginawa ni Aeron na ipagmalaki nya
    Balagtasan na inyong ibinato sa madla
    Nagbibigay ng inspirasyon sa mga nakakabasa
    Alam mo ba na ito ay matatatak sa diwa nila

    Kaya nng ninyo pala ng mabilisang pagbuo ng mga salita
    Salitang nakkakakilig sa damdaming may lumbay pa
    Pagkat nakakaaliw ang yong mga piyesa.

  • Melita Pilon KInshin, dahandahan at pagisipan sana
    Ginagawa ni Jhay ay di kahayagan sa pagpapabaya
    Di ibig sabihin na di niya mahal ang ating wika
    Dahil sa English sya magaling tumula
    Ingenuity is a genius character di ipagwalang bahala
    KAhit English mapatunayan din niya
    Siya ay Pilipino sa gawa at diwa( siguro kahit hindi sa salita) he he he

  • Jhay Gabriel lines that will inspire
    a thousand desires,
    for your words full of ire
    may awake a sleeping empire!

    hahaha

  • Melita Pilon Jhay rub your eyes to fade the red
    Think of what Kinshin has said
    Try to train your mind even not in English
    For all you know, best to be versatile in many language.

  • Melita Pilon Yes, Jhay you are waking up my sleeping empire
    So I am so thankful I meet ayou boys with worthy ire
    You are not the only one to be inspired
    But likewise I am awakened and tried. He he he 

  • Jhay Gabriel in our mother language, i can also write
    but the words in my head, so hard to cite
    noting it down might take me til midnight
    besides, writing in english gives me delight

  • Kenshin Miranda nay mel wag mag-alala
    ako lamang ay nagpapaalala
    sa nakalilimot sa wikang kinagisnan
    ngunit totoo lahat yon ay joke joke lang naman :)

    its not bad to use other languages
    to show our talent to all ages
    the mere fact that we do this literature
    is truly a God's gift to human nature

  • Melita Pilon Yah , English really is exceptional '
    Reading and listening to sounds is phenomenal, I love poems in English as I meet and come
    So go on Jhay and let me be your fan

  • Melita Pilon Kin I know naman it is a joke, my lines just to reply the poke. He he he Wait lang kayo at puntahan ko muna si Eon.

  • Kenshin Miranda hehehe its ok po nay mel
    just be careful on your way there
    and my hi to eon pls just tell
    so my wish to him he will remember :)

  • Jhay Gabriel with our gift, we should be proud
    to others, say it out loud
    for we are a gifted crowd
    but be humble, my soul soughed.

    weeee





-At dahil ngayon ay Buwan ng wika.. tara at magbalagtasan muna.. kakamiss AHAHAHAHHA


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento