Habang papunta ko sa st. joseph habang dala dala ko ang laptop na nasa backpack at may bag pa na shoulder bag (awang awa ako sa itsura ko nun) pasakay ng tricycle. Nun lang ako nakakita ulit ng gentlemen. Yung isa tumayo para sya na sumakay sa likod at ako sa loob ng tric. yung isa naman nakipag kwentuhan sakin about sa college life. Nagkaroon ako ng instant friend nung time na yun.. at ang nakakatuwa pa nilibre ako sa tricycle naawa siguro dahil alam na papa print ako ng daan daang page, buti pa sya ramdam ang kahirapan ko. "sa muling pagkikita" ang kukulit ng mga BEM :))
BTW Natapos din ang 4 months na pag hihirap ko.. naubos ang pera ko na libu libong inilabas namin individually,,. muntik na ding maubos ang pasensya ko sa mga ka group ko na nakasagutan ko dahil sa ang eengot na gawa. Hindi na din namin pag pupuyatan ang feasib.. wala ng next sem para sa feasib AHAHA.. pwede na din kaming magpa rebond. In fairness ang dami dami kong natutunan sa feasib.. di lang ang mismong pag bibuild ng business kundi kung pano makisama sa mga tao.. super saya ko kasi binigyan kami ng grades na higit sa inaasahan namin. sabi namin 3.0 lang o.k na di na kaya ehh.. 1.75 pa grades namin.. after defense lahat kami super thanks sa mga panelist and of course sa adviser.. "grabe sir. naawa yung mga panelist samin" nakakatouch na sagot ni sir. "Hindi awa yun, yun talaga ang resulta ng pinagpuyatan nio, grades nio talaga yan." grabe ang saya saya talagang hindi kami pinabayaan ng adviser namin. Pero buti na din dahil may friend akong CPA.. tumulong sa FS nmin.. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na nakapasa kami sa feasib. nakakainis lang inaya ako ni kuya edjay manood ng sine too bad time na yun feasib namin.. AHAHAHA.. OO nga pala bawal muna yang mga boys na yan baka mabadtrip na naman ako.. na insecure n naman kasi ko sa mga kasama ni gen na babae ang gaganda.. errrrr... whatever.. ngayong college life lang ang pagiging lusyang ko.
5 subjets na lang ang gugugulin ko next sem.. at salamat naman nagkaroon ulit ako ng flat 1 sa marketing namin..feeling ko matataas grades ko ngayong sem. Di na ko kakabahan kahit biglaan pa ang pagpapadala ng grades namin na naka address sa tatay ko. ang saya talaga :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento