Huwebes, Oktubre 25, 2012

One of my happiest vacation this sembreak

    Akala ko magiging boring ang bakasyon ko kahit sobrang busy sa pag asikaso ko for OJT pero sa awa ng Ama nakahanap agad agad ng pag o-ojt-han at tatlo lang ang tinatanggap sa napuntahan ko, salamat at isa ko sa magagaling na tatlong yun AHAHAHA..

   Habang malakas ang ulan at pakape kape at kain ng french fries and salad sa malamig na tanghali, biglang nagtext si jerome.. pupunta daw sya kanila ka.mark at sumama din ako.. ang dami kong alibi kasi ayaw kong sumama dahil nahihiya ako kay ka.mark.. pero napilit din ako ni jerome.. nagdala din ako ng meryenda para saming tatlo c2 milk tea and c2 coffee, noodles ni mang juan, cereal coffee ba yun, white coffee, and candies. ang dami kasing meryenda dito sa bahay share the blessings.. Kahit tatlo lang kami sa apartment hindi pa din naging boring.. habang naglalaro sila ng magic card at taganood ako enjoy pa din.. at laging may asarang kasama.. Ang nakakainis lang di pa din maka move on si jerome kay richard.. naiinis kasi ko pag inaasar nya ko kay richard pag kasama si ka.mark.. pati tuloy si ka.mark nakikijoin..

ka.mark: Fam. Week nya ngayon ahh
me: (speechless kasi alam ko naman yun)
jei: so may dadalaw na sayo nyan
jei: lagi mo sigurong iniisip si richard
me: edi eyesore yun
Jei: ikaw nga pala si mommy straw si mark ang daddy ko..

  Kung sabihin nya yun parang di naririnig ni ka.mark.. kaya hiyang hiya na naman ako..
 
   at pambihira nagka sore eyes nga ko ngayon so irritating.. Pero super happy pa din kahit nag aasaran kami.. habang di matigil tigil sa pag lalaro ng magic card ang mga m'wa naglinis muna ko ng bahay ( I can't believe na ako gumagawa nun) at laging asar ni jei " nagpapraktis ka na ahh." lagi na lang ako napagtitripan at si ka.mark tawa lang ng tawa.. 5:30pm na

habang tumitingin ako sa recipe book ni ka.mark

Mark: may nakita ka na? tara luto tayo
Me: meron po.. banana split with graham flakes and chocolate toppings
Jei: Bat si mark pino PO mo ako hindi... Hapunan na kaya, dapat hapunan na yung lulutuin
Me: Kasi nahihiya kasi ko kay ka.mark ehh.. hahahaha BTW dessert lang natin yun.. may nakita pa ko..kaso soup lang naman un.. yung ulam bangus na marinated na para di na tayo mahirapan.
Jei: Ang dali naman nun.. maganda yung mag cha chop chop pa tayo..para feel na feel ang pagluluto
Mark: sige tas sa puregold na lang tayo bumili.
Jei: eto! eto tinolang manok madali lang lutuin..
Mark and I: Sige

   Nakakatuwang mamalengke at nagsama sama at tatlong hindi marunong magluto haha.. super enjoy naming mamili sa puregold.. at ang nabili namin.. Brown rice, tinola (at kinulang pa ng dahon ng sili) at ang imbentong ni jerome na soup namin.. pare parehas kaming nga nga kung pano lutuin ang brown rice and tinola kaya tumawag pa kami sa expert ellen..

Me: Cho
Ellen:  Straw
Me: Alam agad na ako (ehh kay ka.mark yung no. at binura na nya no. ni ka.mark pero naka save pa din no. ni ellen kay ka.mark)
Me: how to make tinola?
ellen: mag gisa muna kayo ng luya, bawang, onion.. lagyan nio tubig at ilagay ang manok.. pag kumulo ilagay na ang sayote... kaninong no. to?
Me: thanks ellen.. kay secret tong no. na to.
Ellen: nasan ka?
Me: Sa puso mo..
Ellen: bat nanjan si jei?
Me: guni guni mo lang yan (sabay bigay kay jei ang phone, oh ikaw nga kumausap)
..at nagkwentuhan silang dalawa..
Ellen: San kayo ngayon?
Jei: sa puso mo.. AHAHAHA dito kanila mark anak
Me: Anak mo si Ellen? edi ibig sabihin apo ko na sya kasi anak kita
Jei: Feel na feel mo naman

   Sobrang nakakatawa tawang tawa lang samin si ka. mark
 
Pero in fairness naglasang tinola naman ang niluto namin.. at ang brown rice sarap na sarap kami ni ka.mark 100x siguro naming nabanggit na ang sarap ng kanin hahaha..  At biglang nagtext si Ellen sa no. ni ka.mark.. sabi ni ka mark "oh nagtext si ellen.. sabay tawa" habang ako bising busy sa pag aasikaso ng mga pinag luluto namin kaya di ko na natanong kung anong text yun..

  Super saya ang pag experimento namin ng ulam.. at every saturday na namin gagawin yun.. at next na lulutuin ay.. adobo at cheeseroll na peborit ni ka.mark.. sana marami talaga kong pera noh..

  9pm na kami umuwi ni jerome.. habang si vj text ng text.. habang nag good night na ko sa mga kaibigan ko..

Vj: kaya ka masaya dahil pinagluto mo si mark at jei
me: Di ako nagluto.. naghiwa lang ako ng gulay at naghugas ng plato at lampaso kahiya naman kung mga m'wa pa papagawin ko nun
Vj: talaga lang ahh ke mark mo lang ginagawa yun..

  Whatever Vj nagawa ko din yun sayo.. at nalaman ko din ang sinabi ni ellen kay ka.mark.... Cho!! galingan mo baka mahiling ka jan... sobrang nakakahiya talaga mga kaibigan ko errrrrrr.. Pero sa kabilang banda.. masaya na din ako kahit wala si gengen sa buhay ko..Enjoy lang ang buhay.. Super enjoy magkaroon ng solid friends.. Jerome, Ellen, Veejay, Edjay, Mark, Osang, Shayne, Noralyn, Bebe Bianca and kuya allen.. sila talaga ang hindi nang iwan :')......

     ---May bukas pa..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento