Huwebes, Marso 7, 2013

March 7,2013

    Eto yung araw na sobrang daming nangyari sakin, super saya ko talaga. Reserba si veejay sa lokal namin sakto tupad ko din nun. Ilang araw bago ang tupad ni veejay sinabihan na ko ni ka.Mark, super excited nyang sinabi sakin. At si veejay panay ang tawag kung pano ko daw pag sisilbihan ang mga m'wa err pasalamat na lang sila kaibigan ko sila.

   After ng tupad. Pumunta na ko sa apartment ni Ka.Mark at dala dala ang napag usapang lulutuing spaghetti, I really don't know how to cook.. sabi pa naman ni veejay wala syang gagawin at titignan lang ako magluto. Pero tinulungan din nya kong mag ayos ng mga sangkap tas balik na sila sa paglalaro ng magic card with Ka.Mark. Sakto di pa dumadating si Jhay kaya tinawagan na sya ni ka.mark

mark: san ka na?
jhay: nasa mendoza na
me: ka.mark sabihin mo po kay jhay yung hotdog
mark: dala mo ba yung hotdog?
jhay: eto hawak hawak ko tatlo
mark: tatlo lang ang unti. (Biglang tumawa ng malakas, sabay sabing) ikaw magsabi.
me: bakit tatlo lang binili mo?
jhay: edi yung hotdog ni mark and ni veejay
me: ewwwwwwwww kadiri ka (nakakaloka si ka.mark at gusto nya pang marinig ko yun)

   Para kaming mga baliw gusto ko sanang sabihing maliliit yung kanila AHAHA.. Habang nagluluto ko ng spaghetti wala pa din silang tigil sa paglalaro ng magic card. Nakakainis lang walang tumutulong sakin, buti pa si ka.mark kahit bising busy sa paglalaro pinupuntahan puntahan nya pa din ako

mark: Alam mo ba kung pano malalaman kung luto na ang pasta?
me: opo, pipisilin ko po kung malambot na
mark: ihagis mo sa dingding kung dumikit luto na yun
me: AHAHAHA talaga po.
mark: oo try natin mamaya

   bumalik na si ka.mark sa pwesto nya para maglaro ulit ng biglang sumigaw si jerome ng "nice housewife material si mommy straw, maglalaro muna kami ni daddy mark ah" natatawa lang ako kasi di ako makahirit ehh AHAHA hanggang naluto na ang spag at tinikman ni ka.mark yung sauce at ginamit nya pangtikim yung kutsarang ginagamit ko sa pangtikim AHAHAHA

mark: wow ang sarap, tingnan natin kung luto na yung pasta
 (sabay hagis sa dingding)
mark: yun dumikit luto na nga

      Seryoso nga pala talaga sya don, akal ko nagbibiro lang sya. Hinalo na namin ni ka.mark yung sauce at pasta sobrang dami namin niluto para saming lima. Nakakatuwa kasi nasarapan sila sa luto ko, nakailang balik din si ka.mark sa pagkuha ng spaghetti.

jhay: kapag nangasiwa ako sa lokal nio ni mark ipagluto mo din ako ahh

nagkatinginan kami ni ka.mark sabay tingin ng masama kay jerome. (nakakatawa reaction namin nun ni ka.mark AHAHA) bidang bida ko sa mga kaibigan ko. si ka.mark chinichika ko about sa family ko. Sino nagluluto samin, ano daw mga ginagawa ko sa bahay, pati mga kapatid ko. Kung may pasok pa ko. At nung nalaman nyang wala na kong pasok kinukuha nya kong magkalihim nya OMG.. kunwari ayaw ko pa pero gustong gusto ko talaga.. at sya pa daw ang magsusundo sakin :))

   Ang nakakainis na part ehh ng mapunta kay Richard ang usapan. Lahat sila inaasar ako kay Richard kaya pati si ka.mark nakiasar na din. kwento pa ni ka.mark nagsinungaling daw si richard sa magulang nya kung bakit sa aparri sya nadestino, sinabi nya daw na magtuturo lang daw sya don, ehh ang totoong reason eh hindi sya nagpapasok pasok.

mark: Pumayat o tumaba ba si Richard?
me: ayt hindi ko po alam (mahinang sagot ko na parang malungkot)

  Buti na change topic din kami, at ang sagwa napunta sa usapang green.. Si jhay nakapatong sa likod ni veejay habang minamasahe

jhay: matibay na pundasyon namin ni veejay, kayo ni mark nag uumpisa pa lang
mark: jhay may bunga na kami ni au
(hindi narinig ni jhay sinabi ni ka.mark, masyado kasing malumanay magsalita)
mark: oi jhay may bunga na kami ni au
jhay: may bunga na agad kami
mark: may akay kasi sya ako nag doktrina kaya bunga namin.. wow ang galing naman
me: bunga sa Iglesia hindi kung anong bunga iniisip mo
jhay: di bale malapit na kayo magkaroon ng totoong bunga

    hindi ko mapigilan tawa ko nun kay ka.mark at talaga pinaulit ulit nya pa yung sinabi nya. sabay tingin sila sakin, ehh ngiting ngiti ako. kinikilig daw ako. Di ko talaga mapigilan ang sarili ko. humiga na si jhay at nagpatugtog ng japanese song. habang sinasabayan ang tugtog

me: naiintindihan mo ba yang kinakanta mo?
jhay: oo, dear friend, tungkol to sa magkaibigan na nagkalayo

 habang kumakanta si jhay, dahil di ko maintindihan hinagisan ko sya ng kumot sa mukha, sabay abot kay ka.mark ng kumot na may ngiting pang aasar. Sabay higa ulit si jhay biglang hinagis ni ka.mark ng kumot sa mukha ni jhay sabay abot sakin ng kumot na may halong pang aasar. Grabe talaga tawa ko. Natutuwa ko kay ka.mark pag pinupuri nya ko lumalaki ulo ko AHAHA... at ng dumating na si joan cabalo may dalang pasalubong samin at dalang bata. mejo na OP si joan kasi di naman daw nya ka close yung mga m'wa. kinuha ko yung bata at kinalong ko sakin ng sabi ni ka.mark picture picture.. grabe naiilang ako kasi sakin nakatutok yung camera kaya sabi ko na lang tara baby picture daw tayo... then hindi na pinakita sakin ni ka.mark yung picture tuwang tuwa ako at feeling ko ang haba ng hair ko..

   mejo paalis na kami nun nung dumating si joan humihirit pa si jhay at inaasar kami

jhay: feel na feel nga ni mark na paulit ulit na sabihin may bunga na kayo eh

    grabe talaga tawa ko kasi naririnig nya pala yun di lang nag rereact.. umalis na kami at iniwan na namin ang apartment.. grabe sobrang nakakamiss yung bonding namin sa apartment minsan lang kasi ulit mangyayari yun eh. habang nakasakay na kami sa sasakyan ni veejay grabe yung paalam ko kay ka.mark with matching wave pa ng hand AHAHAHA at as usual grabe ako asarin ng mga kaibigan ko. Si veejay di ako matiis hinatid pa ko sa mismong bahay namin na dapat sa kanto lang ng mendoza..

   Natulog muna ko ng 5 hours tas ligo at alis ulit puntang kapilya. Di ko inaasahan na makikita ko ni ka.mark sinabay nya ko sa sasakyan nya papuntang kapilya.

 (pinakilala ko sa kasama nya)
mark: au si eli purok 5 scan
me: hello po :)
mark: may ensayo kayo?
me: opo tsaka po pulong sa ilaw
mark: ang sipag naman
me: malapit na po sta.cena kaya po madaming ensayo
mark: akala ko kaya ka masipag dahil malapit na sta.cena AHAHAHA
me: ehehe

   nakakatawa talaga sya. Kasi pag nasa kapilya na kami hindi na kami ganung nakakapag usap pa, kaya pag walang tao nag uusap kami. haiszt sobrang mamimiss ko sya pag nalipat na sya ng lokal :(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento