Hindi ko iniexpect na sobrang malulungkot ako ngayon araw na to, kahit na sobrang saya ng mga nangyaro samin ngayon. Nag aya si ka.mark na mag jogging 4:30am pero as usual Filipino time kaya 6:00am na kami nakapag start. Kahit na tatlo lang kami ka.mark, kuya ely at ako, super enjoy pa din ang jogging namin. after ng jogging kain din kami sa krispy kreme parang wala din ang jogging kain din. Habang nag lalakad na kami pauwi galing sa global kung san kami madalas na nag jajogging, nagkwentuhan kami ni ka.mark ng masinsinan. Bigla nya kong tinanong kung malulungkot ba daw ba ko kung malilipat sya ng lokal. sagot ko naman sobrang malulungkot po, na parang sobrang naging malungkot yung mood ko. Gusto na pala syang ipalipat ng ministro sa ibang lokal. Sobrang sad ko habang nagkukwento si ka.mark.. lalo na nung sinabi nya na pano kapag sa cotabato daw sya na destino.. Grabe sobrang nakakalungkot talaga. Pilit kong pinapasaya yung usapan, pero di ko talaga mapigilang maging malungkot.. grabe nya ko minomotivate sa career ko. Nakakainis lang kasi kung kelan super close na kami, sunod sunod ang bonding saka pa sya nagpaparamdam na aalis na.. kaya pala araw araw nya kong tinetext para pumunta sa knila.
Tanghalian na, kaya bumili kami ng ulam.. itlog na maalat with kamatis, pritong tilapya at talong with bagoong sobrang sarap ng luto ni kuya mhel. Habang kumakain kami wala kaming ginawa ni ka.mark kundi sabihing ang sarap ng ulam...Hanggang sa matapos kaming kumain biglang nagdrama na naman si ka.mark.. sabi nya mag transfer daw kami kapag nalipat sya ng lokal.. mamimiss nya daw kami. Grabe parang pinipisa yung puso ko kirot ng kirot.. hanggang sa patuloy nyang pagdadrama na baka di nya magamit yung bagong bahay na lilipatan nya baka malipat na sya agad ng lokal.. Bigla na lang akong napahagulgol sa harap nya... bigla syang tumayo ng upuan at pumunta sa kwarto.. naghugas na lang ako ng plato habang umiiyak.. ayoko talaga yung gantong pakiramdam... bakit kasi ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong bonding ehh.. ika nga ni ka.mark "Dynamic Happiness" hindi laging masaya.. kaya pala lagi nya kaming vinivideohan pati mga pagkain namin kasi maiiwan na lang namin yung isang magandang ala ala.. kaya pala halos araw araw nya kong tinetext para pumunta sa knila at magluto kasi baka isang araw hindi na namin magawa yun.. Sobrang nakakalungkot lang.
Ano kaya mangyayari sakin sa susunod na buwan, lalo kapag nagkawork na ko.. grabe ako chinicheer up ni ka.mark.. lalo din ako na motivate nung sabihin nyang sa bertday ko dapat magkalaman na ko. Pero may iba na ata syang nagugustuhan isa din yun sa nagpapalungkot sakin. Nagtataka lang ako kung pano nya nagustuhan yung taga pampanga ehh wala naman syang time na pumunta don at kung mag fafamily week sa ibang bansa sya pumupunta... siguro sinabi nya lang yun para di kami asaring dalawa.. haikk ang dami pa naming plano.. pupunta pa kami sa star city, mag suswimming pa kami sa bahay nila, isasama nya pa ko sa lokal ng parang.. at bibili pa kami ng condo grabe pano na lang ang jogging natin na every wednesday grabe hindi talaga ko makahinga ng maayos iba pala tong pakiramdam na to.. lalo na kapag nag dadalaw kami nakikita ko kung pano sya nahihirapan.. kung pano ang sakripisyo nya.. yung buhay na tinalikuran nya alang alang sa tungkulin.. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihing dito ka lang.. Ano man ang nagyari, nagyayari at mangyayari nagpapasalamat pa din ako sa Ama dahil nakilala ko sya... lalo ko tuloy syang minamahal haik ang lungkot
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento