Biyernes, Oktubre 9, 2015

matured role

it's my 2 months na dito sa abu dhabi, kinuha ako ng kuya ko to work here. In my two months here masasabi ko maganda dito, may sarili silang bahay, may sasakyan at higit sa lahat may helper sila. Totoo ang sarap ng buhay ko. Naliligo ako sa bathtub na mainit ang tubig, natutulog ako sa todo lakas ng aircon, gigisingin na lang ako sa oras ng pagkain ko.at ipinag shashopping ako ng kaibigan ng kuya ko na mayaman. I really enjoy living here. nabibili ko lahat ng gusto ko and I love it. hindi ako na hohomesick. Super enjoy ko.

 everytime na kausap ko tatay ko sa phone walang sawa nyang pinapaalala na tumulong ako sa gawaing bahay. one time kinausap ako ng sister in law ko

Ate rina: Neng marunong ka ba mag luto?
me: (na shock talaga ko) hindi te eh.. ni hindi nga ko marunong magluto ng pritong itlog
Ate rina: kinausap ko nga kuya mo na tuturuan kita magluto, sabi ko wag syang magagalit, para sau din naman un ehh lalo kapag nag asawa ka na. bata ka pala nun nung namatay si mommy (mommy ko)
me: oo nga te eh.. kasi nung nag try ako na magluto ng ulam laging nasusunog, kaya d na ko pinag tatry na magluto nun.
Ate rina: minsan pag magluluto si joy (yung helper namin) sumilip silip ka
me: sige te, pagluluto lang naman ang kailangan kong aralin, the rest madali ng matutunan ehehehe

 Na realize ko, oo nga pala, tumatanda na ko, I need to learn that simple things, I'm 24 years old pero d p din ako marunong magluto. ako kasi ang bunso saming magkakapatid kaya hindi napunta ang malaking responsibilidad sa pamilya namin, medyo looking forward na ko sa mangyayari sakin sa future, to build a family.. and it's OMG!! ganun na ba talaga kabilis ang panahon. siguro kaya ko nandito para ihanda na sa mas mabigat na responsibilidad na darating sa buhay ko. Sana pag dumating yun handa na ko :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento