Gusto kong magpahayag ng opinyon ko sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid ko. Siguro wala naman mag rereact dahil walang maling opinyon. Kung mag react ka, isa lang ibig sabihin nyan TINAMAAN ka. Nagtataka lang ako sa mga taong mahilig magsinungaling, na pagtatakpan ang sarili para sa ikalilinis ng budhi nila :) kahit na alam mo naman ang totoo. Pero nakakatawa na lang na sakyan sila kahit alam mong pinapaikot ka lang sa kalokohan nila. Siguro akala nila kaya ka nilang paikutin, kasi akala nila na mahina ka at di ka marunong makiramdam sa paligid mo :). Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin un. DI MO IKAKAYAMAN ANG PAGSISINUNGALING. :) Di ko sinasabing di ako nagsisinungaling, minsan sa buhay ko nagawa ko na yun, ang dahilan ko ayokong pagalitan ng magulang ko. Siguro sobrang takot na din kaya ako nakapag sinungaling di ako magaling don kaya lagi akong nahuhuli. At ayokong lokohin yung ibang tao at higit sa lahat ang sarili ko :). Una alam mo na ginawa mo yun, kung pagsisinungalingan mo ko, unang una di ako ang niloko mo! kundi ang sarili mo. Mahilig akong mag obserba ng tao kaya minsan nalalaman ko kung anong uri ng tao ka!.
Naalala ko yung sinabi sakin ng kaibigan ko nung nagkasagutan kami, ang sakit ko daw magsalita. Mas o.k na yun na malaman mo yung totoo kesa pagsinungalingan pa kita mabuhay ka pa sa kasinungalingan, kawawa ka naman. :).. sabi nga nila, kahit ilang beses ka nakagawa ng kabutihan, makagawa ka lang ng pagkakamali di na nila makakalimutan yun. OO nga ang hirap na ngang kalimutan, lalo na pag paulit ulit nilang ginagawa yun. Bakit kaya nagkalat sila sa paligid? para silang basura na di naka segregate sa nabubulok at mga plastik. Siguro dahil galit ako sa mga taong SINUNGALING!! kasi ilang beses na din ako nawalan ng kaibigan dahil sa knila. Nagkaroon ako ng ka"ilang"an sa mga kaibigan ko dahil sa paninira nila. :) Kaibigan, di mo kailangang magalit sa taong kinuwentuhan mo kung bakit nya nasabi ang maling panghuhusga mo sa tao, magalit ka sa sarili mo dahil gumawa ka ng kwentong di totoo. Gumawa ka ng storya na alam mong ikakagalit ng iba pag nalaman yun. At anong nangyari? nagkagulo sa planet earth dahil sa kagagawan ng mapang husgang tao.
Bakit kailangan mong isisi sa iba ang kagagawan mo? di ka ba naaawa sa taong yun? di mo ba alam na baka yong taong yun ehh may dinadalang problema sa pamilya nya, sa eskwela, sa kaibigan at idadagdag mo pa ang problema mo sa knya. Kawawa naman ang taong yon. Isa din yan sa dahilan kung bakit di na napagkakatiwalaan ng tao ang mga SINUNGALING sa mundo. Ang hirap noh, nawalan ka na ng kaibigan di ka pa napagkatiwalaan. buti sana kung ikaw lang, kaso pati yung taong ginawan mo ng storya nadamay din dahil sa maling kwento mo. Matakot ka kung pati pamilya mo wala na ding tiwala sayo, wag naman sana. Hindi ako perpektong tao kasi nagkakamali din ako. Pero, di ko ugaling gumawa ng storya sa ikauunlad ng buhay ko. Pwede kang maging story maker, pero wag mong gawinng karakter ang mga tao sa paligid mo na akala mo pinagawa ka lang sa eskwelahan nio ng reaction paper na kung anu ano pinag susulat mo.
Alam mo sa sarili mo kung ano nagawa mo :) di mo kailangang paamuhin ang taong ginawan mo ng masama, hindi yan bata na kaya mong utu utuin at bigyan ng kendi pag napaiyak mo. Hindi din sila autistic na kaya mong lokohin ng paulit ulit ulit ulit.. at patatawarin ka na parang walang nangyari. Minsan nagtataka ako sa mga tao kung saan sila humihingi ng paumanhin, dahil ba sa kasalanan nila o para ma please ka nila na patawarin sila. Gumising ka kaibigan sa kahibangan mo, baka akala mo nanaginip ka lang. Harapin mo ang mga bagay na pinasok mo. Nakakatakot baka pag gising mo wala ng tao sa paligid mo, o di kaya bangungutin ka sa kahibangan mo.
Mahilig ako maglabas ng sama ng loob, ayokong ipunin to MATAKOT ka pag gumanti ako. Tahimik lang akong makikinig at makikikaramdam sa paligid ko. Wag kang mag alala, lilipas ang araw, linggo, buwan, taon na makakalimutan yang masasamang storyang ginawa mo, pero di yang ugali mo. Huwag kang malungkot di ka naman nag iisa ehh.. madami kayo :)
sa inyong usapang Nkakahawa
sa inyong kaibigang kinawawa
nalipat kay jhay na kaawaawa